Sunday, June 10, 2018

KABANATA 2


PAMAMARAAN AT KAGAMITAN NG PAG-AARAL
            Sa kabanatang ito ilalahad ang disenyo at mga paraang ginamit sa pananaliksik, tagatugon sa pag-aaral, lugar ng pag-aaral at mapa nito, mga pinagkunan ng datos, paraan ng pag-aaral at istadistikang ginamit upang mabuo ang pag-aaral na ito.

Pamamaraan ng Pananaliksik
            Ang pag-aaral ng ito at gumamit ng palarawan o descriptive na paraan ng pananaliksik upang malaman ang antas ng kaalaman sa pagtukoy ng mga simbolismo at mga tayutay sa mga piling tula ng ikapitong baitang ng Laboratory School URS Tanay.
            Ang deskriptib na pananaliksik ayon kay Bernaldes (2010) ay isang disenyong pangangalap ng impormasyon hinggil sa mga salik na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.1
            Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik ngunit ang napili ng mga mananaliksik na gamitin ay ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumamit ng talatanungan para makalikom ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay naniwala na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa tagatugon. 2
Limitado lamang ang bilang ng mga tagatugon na sumagot sa talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sasagot sa mga talatanungan, kung kaya lubos na mauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral. Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ang nakita ng mananaliksik na naging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makalap ang impormasyon na maging epektibo sa pananaliksik.
Kaya naman palarawan o deskriptib na pananaliksik ang ginamit, sapagkat ang ganitong pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay kahulugan sa isang paksa.

Lugar ng Pag-aaral
            Ang pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay isinagawa sa Laboratory School ng URS Tanay taong pampanuruang 2017-2018.
            Ito ay pinamumunuan ng kanilang punong guro at mga miyembro ng mga kaguruan.
            Isinagawa ang pananaliksik na ito sa Laboratory School ng URS Tanay-Campus sapagkat ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang mapadali ang pagtukoy ng mga simbolismo at ng mga tayutay sa mga piling tula sa pagtungtong nila sa susunod na baitang. 



Pigura 2
Mapa ng Laboratory School URS Tanay Main Campus
Sampaloc, Tanay, Rizal
 

 


Paksa ng Pag-aarral
            Ang paksa ng pag-aaral na ito ay ang antas ng kaalaman sa pagtukoy ng simbolismo at ng tayutay sa mga tula ng ikapitong baitang ng Laboratory School URS Tanay, Taong Pampanuruang 2017-2018.
            Ang sakop ng pag-aaral nito ay mga simbolismong makikita sa mga piling tula at mga tayutay dito.
Pinagkunan ng Datos
            Ang mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng Laboratory School ng URS Tanay ang napili ng mga mananaliksik na pagkunan ng datos patungkol sa antas ng kaalaman sa pagtukoy sa mga simbolismo at mga tayutay. Binubuo ito ng siyamnapu’t tatlong (93) mag-aaral, kung saan, ang sampung (10) mag-aaral ay kinuha ng mga mananaliksik upang magkaroon ng pagbabalidasyon mula sa mga mag-aaral. Sa kabuuan ang naging tagatugon ng mga mananaliksik ay binubuo ng apatnapu’t tatlong (43) mga babae at apatnapung (40) mga lalaki sa kabuuan ito ay walumpu’t tatlong (83) mag-aaral ng ikapitong baitang.
            Ang talatanungan ang pangunahing instrumentong ginamit upang makalap ang mga kinakailangang datos. Ito ay ginawa ng mga mananaliksik na binubuo ng limampu (50) na tanong; kung saan, dalawampu’t lima (25) ang tanong mula sa simbolismo at dalawampu’t lima (25) naman ang tanong mula sa tayutay. Ito ay nabuo sa tulong ng mga guro sa Filipino sa iba’t ibang sangay o antas ng edukasyon at ng kanilang gurong tagapayo.
            TALATANUNGAN
Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng ipripresentang datos.
Ang talatanungan ay ibinalido ng mga guro sa Filipino mula sa URS Tanay at ng mga guro sa isang pampublikong paaralan ang Sampaloc National High School na may tatlong bahagi na naging batayan upang masuri ang antas ng kaalaman sa pagtukoy ng mga simbolismo at ng mga tayutay sa mga tula ng ikapitong baitang ng Laboratory School URS Tanay.
Ang unang bahagi ay tumutukoy sa propayl ng mga mag-aaral tulad ng kasarian, marka sa Filipino 7; una at ikalawang markahan, pang-ilan sa magkakapatid, mga babasahin sa bahay, at edukasyon ng kanilang mga magulang.
Ang ikalawang bahagi ay binubuo ng dalawampu’t lima (25) na tanong sa simbolismo mula sa mga piling tula.
Ang ikatlong bahagi naman ay binubuo ng dalawampu’t lima (25) na tanong sa tayutay mula sa mga piling tula.
Upang matukoy ang antas ng kaalaman narito ang iskala na gagamitin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito.
Iskala
Antas ng Kaalaman
Rank
Marka
Berbal na Interpretasyon

1
90-100
Mataas ang Kaalaman sa Pagtukoy (MKP)

2
85-89
Sapat ang Kaalaman sa Pagtukoy (SKP)

3
80-84
Katamtaman ang Kaalaman sa Pagtukoy (KKP)

4
75-79
Mababa ang Kaalaman sa Pagtukoy (MKP)

5
74 pababa
Hindi Sapat ang Kaalaman sa Pagtukoy (HSKP)


Paraan ng Pag-aaral
            Nang mapagtibay ng mga guro ang iniharap na pananaliksik, nagsimula na ang mga mananaliksik na humingi ng pahintulot sa punong guro ng Laboratory School para sa mga gurong makatutulong sa pananaliksik na gagawin.
            Ang talatanungan na binuo ng mga mananaliksik ay ipinabalido sa gurong tagapayo ng mga mananaliksik at sa mga gurong eksperto sa nasabing larangan. Pagkatapos maisagawa ang talatanungan, ang mga mananalisik ay humingi ng pahintulot sa punong guro ng Laboratory School URS Tanay upang magsilbing tagatugon ang mga mag-aaral sa ikapitong baitang.
            Pagkatapos ng pangangalap ng mga datos batay sa nakasaad sa sinagutang talatanungan ng mga mag-aaral, ang datos ay isinaayos batay sa mga talahanayan. Pinagpangkat-pangkat ang datos ayon sa propayl ng mga tagatugon, tulad ng kasarian, marka sa Filipino 7; una at ikalawang markahan, pang-ilan sa magkakapatid, mga babasahin sa bahay, at edukasyon ng mga magulang.
Ang huli ay pagbibigay kahulugan at presentasyon ng datos, pagbuo ng lagom, konklusyon at rekomendasyon. Ito ay batay sa interpretasyon ng datos na nakalap.
Estadistikang Ginamit
            Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Kaalaman sa Pagtukoy ng mga Simbolismo at ng mga Tayutay sa mga Tula ng Ikapitong Antas sa Laboratory School ng URS Tanay ay gumamit ng mga sumusunod ng estadistikang kagamitan:
            Suliranin bilang 1: upang malaman ang propayl ng mga tagatugon ayon sa kasarian, marka sa Filipino 7 sa una at ikalawang markahan, pang-ilan sa mga magkakapatid, mga babasahin sa bahay, at edukasyon ng mga magulang ay frequency, percentage at rank ang ginamit.


Pormula:
                       
Kung saan ang:
                        % = percentage
                        f = frequency
                        n = number of cases
                        100 = constant value
            Suliranin bilang 2: upang malaman ang antas ng kaalaman sa pagtukoy ng mga simbolismo at ng mga tayutay ng ikapitong baitang ay gumamit ng mean at iskala.
Pormula: Mean
      =

Kung saan: 
 = mean
x = sum of frequency
n = total number of respondents


Iskala
Antas ng Kaalaman
Rank
Marka
Berbal na Interpretasyon

1
90-100
Mataas ang Kaalaman sa Pagtukoy (MKP)

2
85-89
Sapat ang Kaalaman sa Pagtukoy (SKP)

3
80-84
Katamtaman ang Kaalaman sa Pagtukoy (KKP)

4
75-79
Mababa ang Kaalaman sa Pagtukoy (MKP)

5
74 pababa
Hindi Sapat ang Kaalaman sa Pagtukoy (HSKP)


Suliranin bilang 3: upang malaman ang antas ng kaalman sa pagtukoy ng mga simbolismo at ng mga tayutay sa mga tula kung ipapangkat ito ayon sa kanilang propayl ay mean at iskala.
Pormula: Mean
      =
Kung saan: 
 = mean
x = sum of frequency
n = total number of respondents
.
Antas ng Kaalaman
Rank
Marka
Berbal na Interpretasyon

1
90-100
Mataas ang Kaalaman sa Pagtukoy (MKP)

2
85-89
Sapat ang Kaalaman sa Pagtukoy (SKP)

3
80-84
Katamtaman ang Kaalaman sa Pagtukoy (KKP)

4
75-79
Mababa ang Kaalaman sa Pagtukoy (MKP)

5
74 pababa
Hindi Sapat ang Kaalaman sa Pagtukoy (HSKP)










Sanggunian
1 Bernales, Rolando A., et. Al. (2010) Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc
2 Metodolohiya ng Pananaliksik Kinuha mula sa https://www.academia.edu/10450128/KABANATA_3_METODOLOHIYA_NG_PANANALIKSIK Kinuha noong Disyembre 2017



2 comments:

  1. magandang gabi po sa mga mananaliksik ng pag-aaral na ito, maaari po kayang makita ang kaugnay na pag-aaral tungkol sa ginawa ninyong pag-aaral?

    ReplyDelete
  2. Maraming Salamat! Ako'y may natutuhan sa inyong ginawang Pananalikliksik.

    ReplyDelete

KABANATA 2

PAMAMARAAN AT KAGAMITAN NG PAG-AARAL             Sa kabanatang ito ilalahad ang disenyo at mga paraang ginamit sa pananaliksik, tagatug...